Home
entries friends calendar user info Previous Previous
Just Your Ordinary Guy
Not Really..

Advertisement

Add to Memories
Tell a Friend

wala po sanang magalit :)

Entirely Fictional! Peace!


Cephas (which, when translated, is Peter)


“With my brother, casting a net into the lake, he made me a fisher of men.

“His Father in heaven, not man, revealed to me that he is the Christ, the Son of the living God.

“He appointed me as the keeper of the keys of the kingdom of heaven.

“He made me the rock upon which he built his church, and called me Peter.

“He knew I would deny him thrice yet did not forsake me.

“He reinstated me, and made me feed his lambs and care for his sheep.

“He sent his angel and rescued me from Herod’s clutches.

“For I am the rock upon which his church was built.

“It is said that you were the disciple whom he loved. Yet he only gave you a mother to feed, to care for.

“Did he love you more?”

 

(This was taken from the Gospel of John.)

 

 

*Entirely fictional! Peace!

Add to Memories
Tell a Friend
Drabble ko sa CW10 tungkol sa isang painting.



The Director

You're the director. This is your movie. You stand beside the cameraman, watching everything from the lenses' view.

" You're pushing the goddamn boat! Feel the weight! The strain on your back!

" You can do better than that! You're rowing a boat with almost a dozen! It should be hard!"

Everything's getting on your nerves. You're almost bursting with anger.

" Lola! It's your life you're pleading for here! Show more passion! Passion!"

The cameraman looks at you, sensing your displeasure.

" Kid, you look constipated! I need tears!"

That's it. You're full of all the shit.

You scream, "I'm the Director here!"

Add to Memories
Tell a Friend
Pagpapakilala.

Sa sang napakalaking silid, sa isang malaking palasyo, sa isang malaking kaharian (medieval style), sa isang alternative universe.

Katahimikan.

Sa kadiliman ng entablado, isang ilaw ang nakatutok kay Yuuri, isang 15 taong gulang na batang lalaki. Nakatayo siya sa harapan ng isang life-sized portrait ng isang matipunong lalaking may itim na mga mata at buhok. May malaking pagkakahawig si Yuuri sa lalaki sa portrait. Ang lalaki sa portrait ay nakasuot ng isang military uniform na kulay puti at dilaw. Sa kaliwang beywang nito ay may nakasabit na espada.

Ang portrait ay nasa kanang bahagi ng kuwarto, sa harap ng apat na puting sofa at isang salaming lamesa. Nasa tabi ng portrait ang isang pintong bahagyang nakabukas at nagbibigay ng kaunting liwanag sa kuwarto. Unti-unting liliwanag ang kuwarto habang naglalakad papalapit sa isang four-post bed sa kabilang dulo ng kuwarto si Yuuri, waring tinatamad at inaantok. Nakasuot siya ng puting polo at pantalon namay dilaw na mga linya sa dulo. Nakayapak siya habang naglalakad sa puting sahig ng puting kuwarto. Pagdating sa kama'y ibabagsak ang katawan patihaya at bubuntong-hininga. Sa isang munting puting cabinet sa gilid ng kama, may nakapatong na puting teddy bear katabi ng isang framed na larawan ng isang magandang babaeng tila kasing-edad ni Yuuri. Kukunin ni Yuuri ang teddy bear na mayroong dilaw na ribbon sa leeg. habang hawak sa likod at inihaharap sa sarili ang teddy bear, magsasalita si Yuuri na tila kinakausap ang hawak na stuffed toy.
 
YUURI

Haaay Gian (kinakausap ang teddy bear)... Tinatamad na 'ko dito. Bukas na yung coronation pero parang walang thrill sa'kin. After all, coronation lang naman yun. Ceremony lang. Kung ikukumpara sa mga nangyari the past months, masyadong boring yun kung tutuusin. Pero at least, senyales yon na slowly recovering na ang Damascus. Halos tapos na rin lahat ng mga nasira no'ng giyera. (Sandaling mananahimik)

Parang ambilis 'no Gian? (Babangon sa pagkakahiga at mauupo sa dulo ng kama. Magsasalitang tila kausap pa rin ang teddy bear habang nakatingin sa kawalan.) Ibig kong sabihin, lahat. Andamingnangyari in a span of less than five months. Yung otherwise simple rule ko sa kahariang 'to e naging napak-complicated dahil sa giyerang 'to. Andaming nawalang buhay, di lang sa side natin. Pati na din sa side nila. (Yuyuko, halata ang lungkot sa mukha.) Si Gwendal. Si Draco. (Bubuntong-hininga) Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Si Gwendal, pinagtaksilan ako ni Gwendal. Of all people, siya pa. Si Gwendal, si Gwendal na nagligtas ng buhay ko dati, no'ng nasa panganib pa ang Damascus. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung ano'ng posibleng dahilan niya para gawin yon. (Ilalapag si Gian sa tabi ng larawan sa ibabaw ng cabinet at tatayo.)

Gian, muntik ko nang malimutan. Sabi nga pala ni Yael kelangan ko ngayong magsulat sa Lunar Diary ko. Matagal na rin nu'ng una kong ginawa yon. Noon pa yun, bago pa kami tumuloy sa Ceylon nila Yael at Armo. Tapos wala pa 'kong ga'nong naisulat no'n kasi masyado pa 'kong na-excite sa nakita ko. (Iikot si Yuuri sa kabilang gilid ng kama kung saan nandoon yung cabinet. Bubuksan niya yung pinakailalim na drawer at ilalabas mula doon ang isang transparent na bolang kristal na tila sa loob ay naglalaman ng puting usok. Ilalapag niya sa kama, katabi ng teddy bear, ang kristal at mauupo sa harap nito.)

Ayan Gian, puwede na 'kong mag-start. (Ipapatong ni Yuuri ang kanan niyang kamay sa ibabaw ng kristal habang bumubulong ng mga salita na tila galing sa ibang lengguwaheng di maririnig sa Earth. matapos bigkasin ang mga weird na salita, sandaling maglalabas ng dilaw na ilaw ang kristal at babaliksa dati nitong itsura. Magsasalita si Yuuri habang nakatingin sa kristal.) Pa'no ko ba 'to sisimulan? Maglilimang buwan na mula nang dalhin ako sa Dmascus ng kapangyarihan ni Lady Arya upang tumulong sa lumalalang sitwasyon dito Ika-pitong buwan, araw ng Puting Kidlat, ika-364 na dantaon sa kalendaryong Damasco. Yun yung petsa nu'ng napunta ako dito. Sa'min, July 12, 2006 yun, birthday ni Arianne. (Titingin kay Gian.) Gian, kung kakalimutan natin yung power ni Lady Arya, ikaw yung may kasalanan nito. (Ibabalik ang tingin sa kristal. Gumagalaw at tila nadadagdagan ang puting usok sa loob nito.) Naglalakad ako no'n across the field papuntang gym. Kelangan ko kasing kausapin si Ma'am Crisostomo tungkol sa Himig. Hindi ko naman namalayan nailaglag ko pala (titingin kay Gian) yung teddy bear ko. Nu'ng time na yon, medyo madilim na yung langit. Nu'ng pabalik na 'ko, tsaka ko pa lang na-realize na nawawala si Gian. Hinanap ko siya sa dinaanan ko. Nagsimula nang umambon nu'ng makita ko siya sa gitna ng field. E ako si tanga, kahit umuulan na e tinakbo ko pa rin si Gian. Ayun, nakidlatan nga ako. Paggising ko nandito na 'ko sa kuwartong 'to. Nasa tabi ng kama ko sila Yael, Draco, at Lady Flynn, kasalukuyang reyna ng Damascus. Noon ko nalaman yung totoo kong lineage. Ganito pala yon. More than 15 years ago, lumaban din sa guyera ang Damascus pero noon laban sa Mozambique. Dahil in danger ang buong kaharian, inatasan ng High Priestess si Gwendal na dalhin ang kaluluwa ng susunod na leader ng Damascus sa safe na lugar, which is Earth nga. Ibang dimension ang Earth and sa tulong lang ng High Priestess kaya nakatawid si Gwendal kasama nga yung kaluluwa ko. Doon, hinintay niyang mapanganak ako para ma-ensure na safe ako tsaka responsable yung mga magiging maghulang ko sa Earth. E ayun, buti naman matino parents ko. Ang naging problem lang no'n e inabutan si Mommy sa daan nu'ng manganganak na siya. Nandu'n no'n si Gwendal kaya tinulungan niya si Mommy papuntang hospital. Iniwan niya rin kay Mommy 'to (Dudukutin ni Yuuri sa loob ng suot niya ang isang pendant na kulay blue). Kaya yun, bumalik na rin si Gwendal dito sa Damascus. Nga pala, kaya ako dinala pabalik dito kasi ako lang daw, bilang reincarnate daw nung Demon Hero nung creation ng dimension na 'to, yung makakakuha nung Demon Sword. Nasa Ceylon yun, island south ng Damascus. Nandu'n daw sa tawag nila e Deemon Spring sa gitna nu'ng island.
 
Nu'ng dumating ako dito sa Damascus, nasa Bielefeld si Gwendal, nakikipag-giyera sa Sierra Leone. Kaya hindi ko siya ka'gad nakita. Si Draco naman, nagbabantay sa northern borders ng Damascus. Si Yael yung nagkuwento sa'kin ng lahat. After no'n sinimulan na ka'gad yung training ko. Nag-train ako sa sword-wielding at magic. Si Yael ang nag-train sa'kin sa magic. Si Armo, younger brother ni Draco, naman yung nag-train sa'kin sa sword-wielding. Nag-train ako nang nag-train no'n. Pero after 3 days pa lang natigil na yung training ko temporarily. Nakabalik na yung troops ni Gwendal galing Bielefeld. Hindi sila nag-succeed na matigil yung advance ng Sierra Leone sa Damascus. Temporary restraint lang yung nakaya nila. Nangonti kasi yung soldiers ng Sierra Leone kaya kelangan nilang maghintay ng back-up bago mag-march forward. Pero nag-suffer din ang Damascus. Mas konti pa sa 100 yung mga nakabalik na soldiers sa Damascus galing sa original na more than one thousand.

Kaya ang nangyari, naghanda na lang sila Draco at Gwendal na i-guard yung borders ng Damascus kung sakaling magkaroon ng mabilisang atake galing aa Sierra Leone. Kahit na hindi ko pa nakumpleto yung training ko, tumuloy na kami sa Ceylon kasi may nakita nang army ng Sierrra Leone papuntang Damascus. Kasama ko no'n si Armo't Yael tsaka kami pasikretong umalis kasama ng mga 50 soldiers. (Titingin kay Gian.) Hini na kita sinama kasi sabi ni Armo sagabal ka lang daw. Pero ganun talaga yun, masyadong masunit tsaka mainitin yung ulo. Super opposite sila ni Yael (Yuyuko). Di ba Gian? Siya nga laging nagpapaligo sa'yo e. Siya lang yung patient enough para pagtiyagaan akong turuan nang di naiiis dahilsa mga mali-mali ko. E si Armo magkamali lang ako, umuusok na e.

Pero nawala na 'ko sa kuwento ko. (Tatawa at ibabalik ang tingin sa kristal.) So yun nga, kasama sila Armo, Yael, tsaka yung konting mga soldiers, nag-sail kami papuntang Ceylon. Less than 6 hours lang dapat yung trip pero dahil malakas yung alon e umabot kami ng halos 7 hours. Ang kaso nga lang, may nag-leak sa Sierra leone na information tungkol sa pagpunta namin sa Ceylon kaya pagdating namin, nakaabang na sa shore yung army ni Prince Alden ng Sierra Leone. So ang nangyari, na-delay kami lalo. Mabuti na lang nasa magic-permissible land kami no'n. May mga lugar lang kasi talagang gumagana ang magic. Du'n lang sa mga lugar na nasa sphere of influence ng isang magical item puwedeng mag-magic. Since nasa Ceylon yung Demon Sword, nakagamit ng magic sila Yael at Armo. Kaso nakakagamit din pala ng magic si Prince Alden. Ako naman, hanggang sword fight lang ako no'n. Sabi kasi ni Yael mauubos lang energy ko sa pagma-magic. Mas kekeylanganin ko raw yun pagdating ko sa Demon Spring para makuha yung Demon Sword.
 
Kaya si Yael na yung lumaban kay Prince Alden. Dumiretso na kami sa Demon Spring habang naglalaban yung iba. Hindi na rin namin nakita (Yuyuko si Yuuri at bahagyang hihina ang boses.) kung pa'no natalo ni Prince Alden si Yael. Sinundan kami ni Prince Alden sa Demon Spring. Ang akala namin, pag nakuha ko na yung espada magkakaro'n na 'ko ka'gad ng mas malakas na magic. Ang totoo no'n, naubos yung lakas kosa pagkuha lang nung espada sa ilalim nu'ng spring. Oo, nakuha ko nga siya pero wala talagang nagbago. No'n namin nakita na hindi kumpleto yung espada. Wala yung isang gem sa grip nung espada. Yun yung only reason na naisip ni Armo kung bakit hindi gumagana yung kapangyarihan nung espada. Inabutan kami ni Prince Alden na paalis na do'n. Si Armo naman yung lumaban kay Prince Alden. No'n ko nalaman na naging magkaibigan pala sila no'ng bata pa sila. Hindi pa raw no'n magulo yung relationship ng Damscus at Sierra Leone. Iisa lang kasi yung nagturo sa kanila sa paggamit ng espada. Sabi pa nga no'n ni prince Alden e nasa side daw nila yung taong yon kaya natatalo ang Damascus. Kitang-kita ko no'n sa mukha ni Armo na gulat siya. Hindi pa nga siya naniwala nu'ng una e pero kung ano-ano pa yung sinabi ni Prince Alden kaya sa huli, naniwala din si Armo. No'n na bumilis yung laban nila. halata kasing nagmamadali na si Armo e. Pero di ko pa alam no'n kung bakit. Wala naman akong magawa no'n kasi na naubos na lakas ko dahil sa Demon Sword na yun. Oo, nakakatayo pa 'ko pero hirap na 'kong tumakbop no'n. Kaya wala akong nagawa't nanood na lang ako. Match na match nga silang dalawa e. Antagal nu'ng laban. Pareho silang gumamit ng magic at espada. Hindi ko na nga maisip kung pa'no nila nagagawa yun e. Si Prince alden kasi, apoy yung elementong ginagamit niya samantalang tubig naman yung gamit ni Armo. Napaghahalo nga nila yung espada't magic nang sobrang dali. Yung mga espada nila parang nabalutan ng apoy tsaka tubig. (Titingin kay Gian.) Kung nandu'n ka, sigurado maa-amaze ka talaga. natapos lang yung laban nung accidentally e nag-trip over si prince Alden du'n sa batong binato ko sa paa niya. Tsamba nga e. Kaya ayun natalo siya ni Armo. pero pinatulog niya lang naman tsaka kinuha yung sword niya't tinapon sa ibang lugar. Nagmamadali naman si Armo na bumalik na kami sa Damascus pero di niya pa rin sinabi kung bakit. (Sasandal si Yuuri sa mga unan sa likuran niya.) Ngayon alam ko na. (Bubuntong-hininga) Pagbalik namin sa iba naming kasama, natalo na nila yung lahat ng mga soldiers ng Sierra leone. Buhay pa si Yael no'n, pero grabe yung mga sugat niya. Wala pang sampu yung mga natirang soldiers namin. Pero nagmamadali si Armo kaya umalis na kami kaagad.

Buti na lang mabilis lang yung naging trip namin pabalik. Hindi na kasi masyadong maalon. Nagulat kami kasi pagdating namin sa port e naghihintay na sa'min du'n si Yozak, isa sa mga comrades ni Draco. Sinabi niya sa'ming na-invade na ng Sierra Leone ang majority ng Damascus. Yung southern lands na lang ang hindi nagagalaw. Wala na rin daw sa palasyo lahat. Lumikas na raw sila sa isang sikretong place. Du'n na kami dumiretso sa tulong ni Yozak. Halata ko talagang atat na atat na si Armo.

Pumunta kami sa isang kuweba sa loob ng gubat sa eastern coast ng Damascus. Nando'n na lahat ng natitirang mga taga-Damascus. Nando'n na rin si Lady Flynn at Draco. Wala pa rin do'n si Gwendal. Agad kaming sinalubong ni Draco at sinabing nakikipaglaban pa si Gwendal. Tinanong niya rin kung nakuha namin yung espada. Basta ang dami niyang sinabi kaya di ka'gad nakapagsalita si Armo kahit meron siyang gustong sabihin. Huli na nu'ng nakapagsalita si Armo. Nakarating na sa hideout namin yung mga taga-Sierra Leone. Tandang-tanda ko pa. (Sandaling tatahimik, nakapikit) unag-una kong nakita si Gwendal. (Unti-unting mangingilid ang luha.) Tinawag ko pa siya no'n. Tinanong ko kung ayos na lahat... kung natalo na nila yung mga taga-Sierra Leone. Hindi ko pa napansin no'n na sila pala yung nasa likod ni Gwendal.. Tandang-tanda ko pa... Tumawa no'n si Gwendal... malakas... malakas na malakas... Tapos sinabi na ni Armo yung kanina niya pa gustong sabihin. Si Gwendal... siya yung nagturo sa kanilang dalawa ni Prince Alden ng paggamit ng espada... Si Gwendal ang nagtaksil sa Damascus... All along pala, nage-espiya siya.. Hindi ako naniwala no'n... (Tuluyan nang iiyak.) Pero sinabi rin ni Gwendal ang lahat. Habang tumatawa siya, umiiyak ako... Umiiyak ako..
 
Hindi ako naniwala.. Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala... Hindi yon magagawa ng taong ginawa ang lahat para lang maipagtanggol ang Damascus.. Wala na 'kong ga'nong maalala no'n.. Basta sinugod na 'ko ni Gwendal... Tapos hinarang siya ni Armo... Naglaban sila... Nando'n lang ako, tulala.. umiiyak... Hanggang sa matalo na rin ni Gwendal si Armo... Pati si Yozak... Pati si Draco.. Sugatan silang lahat... Wala akong ginawa... Hinamon niya 'ko pagkatapos.. Habang sinusumbat niya sa'kin lahat ng hirap na sinapit niya para lang mabuhay ako noon, habang pinapamukha niya sa'kin kung pa'no siya kamuntikang itakwil ng Damascus noon dahil sa muntik nang mapahamak ang buhay ko, kung pa'nong habang inililigtas niya 'ko ay namatay ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, kung pa'nong sinumpa niya mula noon na gagawin niyang lahat para maipaghiganti sa'kin ang pagkamatay ni Julia, ang sana'y mapapangasawa niya pagkatapos ng giyera, nando'n ako umiiyak... Inilabas ko no'n ang kuwintas na binigay niya sa'kin... Nagulat siyang nasa 'kin pa yun.. Parang nag-panic... Sinugod na niya 'ko... Pero... nu'ng malapit nang tumama yung espada niya sa dibdib ko... Tinulak ako ni... Yael... Nagulat akong may lakas pa siya para gawin yon... Namatay siya para sa'kin... Nawala siya para lang mabuhay ako... No'n din sumigaw si Armo na ilagay ko yung pendant ng kuwintas sa espada, du'n sa... walang laman... (Unti-unti nang titigil sa pag-iyak) Ginawa ko yun.. pero wala na 'kong maalala pagkatapos no'n.. Nagising na 'ko sa kuwarto ko sa palasyo.. Kinuwento na lang nila sa'kin ang mga nangyari. Pagkatapos ko raw ilagay yung pendant sa espada, lumiwanag... Nag-iba raw itsura ko.. kamukha nu'ng nandu'n sa portrait na 'yon. (Ituturo ang portrait sa kabilang dulo ng kuwarto. Papahiran rin niya ang mga luha sa pisngi niya.) Noon daw, natakot na lahat ng mga soldiers ng Sierra Leone. Nagkaroon daw ng maraming shadow na nakakagalaw. Sumunod daw sila sa inutos kong tapusin lahat ng mga kalaban.. Noon din daw, kinalaban ko si Gwendal. Takot na takot daw siya no'n pero parang wala akon nakikita. (Tatahimik nang medyo matagal.) Pinatay ko raw siya. Nagsi-alisan na rin daw kahit yung mga taga-Sierra Leone sa ibang mga parte ng Damascus. Inatake silang lahat nung mga shadow creatures na sumusunod sa'kin. (Titingin kay Gian nang medyo matagal habang walang sinasabi. ) Astig sana lahat, kung hindi lang namatay si Gwendal. Kung nakontrol ko lang sarili ko no'n. (Bubuntong-hininga at tatahimik nang matagal.)

Naayos na lahat mula no'n. Unti-unting bumalik sa dati ang Damascus. Nakipagkasundo na rin ang Sierra Leone, siguro dahil sa takot. At bukas, opisyal nang ako na'ng magiging hari ng Damascus. Ako na'ng haharap sa lahat ng responsibilidad na dating hawak ni Lady Flynn. Pero ako, sisiguraduhin kong hindi na mauulit lahat ng mga nasaksihan kong pangyayari. Di na 'ko papayag na mawala sa'kin lahat ng mahalag sa'kin. Hindi na puwede yo'n. Ayoko na. (Tatahimik)

(Iaangat ni Yuuri sa ibabaw ng kristal ang kamy at muling bubulong ng mga inkantasyon hanggang umilaw ulit yung kristal nang panandalian. Pagkatapos no'n, ibabalik niya ito sa cabinet at mahihiga sa kama. Hawak-hawak at tila kausap si Gian, magsasalita siya.)
Pero ayos na. Sigurado naman akong hindi ako papabayaan ni Armo at ni Draco. Pero Hindi na ako papayag na lagi na lang akong pinagtatanggol ng mga tao sa paligid ko. Lalaban na 'ko. (Pipikit si Yuuri at ilalapag si Gian sa tabi niya.)

(Pagkatapos ng ilang segundo'y may maririnig na katok mula sa bahgyang nakabukas na pinto. Babangon si Yuuri at magsasalita habang papalapit sa pinto.) Maiwan na muna kita Gian, kelangan na ;ko sa baba ni Armo.

(Pagdating sa pinto'y tila may maaalala't tatakbo pabalik sa kama. Sa ilalim ng isang unan ay may kukunin. Hahawakan niya ito nang mahigpit sa kanyang kanang kamay. Pupunta siya sa bintana. Titingnan muna nang ilang segundo ang hawak at saka ito ibabato nang malakas sa bintana. Pagkatapos ay tatakbo palapit sa pinto. Bago isara ang pinto'y magsasalita muna si Yuuri.) Bay! (Isasara ang pinto.)

Kadiliman.

Add to Memories
Tell a Friend

Nanuod ako ng HSM 3 nung Friday sa MOA, yung first screening, kasama Madbeings: sila Kim, Jamie, Yssa, Angelica, TJ, at Philip.

So, yung negative points muna.

Sa mga masyadong nag-e-expect, malamang ma-disappoint kayo due to many reasons.

Una, hindi developed masyado yung plot. Kagaya nga ng sabi ni Kim, medyo maraming conflicts na inopen na di na-resolve or kababawan yung pag-resolve. Typical HSM conflicts, di ganon kabigat though dahil graduation and college ngayon e mas maganda naman compared sa mga nauna. Pero may papuri ako, mayamaya.

Pangalawa, maraming kanta, mga every 2 to 4 minutes me bago. Di ito yung negative. Okei nga e. Kaso di masyadong maganda yung ibang songs. Yung ibang fast songs parang pare-pareho lang yung tunog. Tapos obvious na obvious yung pagiging recorded at lip synched dahil na rin siguro sa sounds. Mahal yung OST, 500 ata. (Bumili si Philip, rich kid.) Dahil musical nga siya, maraming song and dance. Reklamo ko lang e nakakahilo yung Now or Never tsaka meron pang iba. Pero may papuri ako, mayamaya.

Pangatlo, nasayangan ako sa ibang characters. Dahil nga huling hirit na ito ng kasalukuyang batch (ang alam ko a), parang nakakalungkot na di nabigyan ng disenteng exit yung ibang characters, specifically sina Chelsea (spelling check?), Taylor, at Ryan (medyo). Pinaka-disappointing yung underexposure (sabi nga ni TJ) ni
Chelsea na sabi nga ni Kim e naturingang playmaker nung 1 pero naging background character na lang. Dahil iniiwasan ko ang spoilers di na ako mag-e-elaborate. Ganun din ke Taylor pero at a lesser degree. Si Ryan naman, medyo nasanay na kong supporting lang siya kahit ang ganda ng character niya. After all, ginawa naman yung character niya para maging support lang. Well, pinanindigan nila. Sayang lang. Pero may mga papuri pa ako, mayamaya. Lalo na sa pag-honor kay Gabriella, which I find just fitting and oh so needed. Matagal kong inabangan, tamang-tama. Elaborate later.

Mga dagdag na negatibong komento:

Nakulangan ako sa enjoy factor. Pero siguro kasi first screening kami kaya halos walang tao sa sinehan. As in. Kaya siguro. Kaya papanuorin ko ulet minsan, sa peak hours.

Buti na lang di ako nag-expect ng sobra kaya di ako na-disappoint. Tsaka buti di ako na-overexcite masyado. Medyo lang. Di kasi ako na-amaze masyado sa opening number.

O game, papuri naman.

Una, sa story mismo. Di masyadong engaging hanggang ma-introduce yung conflict ni Gabriella at consequently yung sa iba. Pero mula nun tsaka nung rehearsals para sa spring (?) musical e  di ko na na-contain ang kasayahan ko. As in ayos na ayos na. Medyo sawang-sawa na kasi ako sa
Troy basketball o theatre conflict kaya siguro natuwa ako sa conflict kay Gabriella. May isang scene pala na tagos. As in. Tapos dun nila in-encore yung paborito kong kanta sa movie (kinanta nila earlier in the film na maganda rin yung scene). Title nung song Can I Have This Dance? I think. Prom scene (sort of) siya pero a most welcome left turn from the expected scene pag prom. Sobrang amazing lang, isinama pa yung kantang sobrang amazing din. Aliw din yung rehearsals ng musical pati yung musical mismo. Nakakatawa sobra yung bagong character na nandun. As in. Another memorable scene is yung graduation kuno na part nung musical kung san tinatanong sila kung ano ang future nila. Medyo na-disappoint ako sa last duet nina Troy at Gabriella. Di talaga maganda masyado yung Just Wanna Be With You. Ang nagligtas sa potential damper na yun e yung magandang chorale version (sort of) ng Were All In This Together.

Sa mga musical numbers naman specifically, yung paborito ko nga e yung Can I Have This Dance? sa parehong scenes (though mas maganda yung pangalawang scene). Gusto ko rin yung prom-planning song na feeling ko A Night To Remember title. Ayos din ang Now or Never (opening), High School Musical (ending), kanta nila Sharpay at Ryan sa cafeteria, kanta nila Troy at Gabriella sa victory party ng Wildcats (oops spoiler lol). Meron pang iba di ko lang maalala. Generally, maganda mga songs though di lahat outstanding at nakaka-LSS.

 

Bago ako mag-conclude, gusto ko lang i-mention tong, for me a, isa sa pinaka-nagpaganda sa HSM 3. Obvious from the past HSMs (at pati dito, for most parts) na bida, star si Troy. Lalo na sa 2. Troy dito. Troy diyan. Basketball o theatre. Paulit-ulit. Laging naka-center kay Troy. Pero na-liberate ng last quarter ng HSM3 ang buong series from that very annoying constancy (me word bang ganito?). Ang tinutukoy ko e ang napakalupet na pag-honor ke Gabriella Montez, something the character rightfully deserves, lalo na after HSM 2 kung san napakawalang wenta ng role niya. After all, wala ang mga events ng HSM kung di lumipat si Gabriella sa East High. Well, oo, ginawa nilang ganun yung kuwento kaya pwede naman palang hindi, pero you get my point. Ito yung isa sa mga pinakahinanap-hanap ko na ngayon lang binigay. Siguro kasi si Gabriella yung paborito ko nung unang HSM at masyado siyang inunderexposed nung HSM 2. Natuwa naman akong di masyadong Troy Bolton ang ending ng HSM (though andun pa rin, pero kasi si Vanessa me pagka-hubadera e, e si Zac wholesome ang image pero malay ninyo di ba baka hubadero din hahaha).

Dagdag pala, as usual, entertaining si Sharpay. At yung dalawang bagong cast, okei sila. Siguro sila na sa HSM 4 at 5 at ewan.

Conclusions:

Out of five stars, bibigyan ko ang HSM 3 ng four. Marami pang maaayos but it did not disappoint me. It even surprised me sa ibang parts. Good. Entertaining. At ayan na pinakatype ko sa mga HSM though halos magkalevel sila nung unang HSM for me.

Basis for comparison:

Juno (2nd fave movie ko): 6/5

HSM: 4/5

HSM 2: 3/5

Transformers: 4.5/5

Pisay: 4.5/5

Horton: 5/5

One More Chance: 4/5

Add to Memories
Tell a Friend

Unpublished opinion article.

Misyon ng Pisay na madagdagan ang bilang ng mga propesyonal na Pilipino sa larangan ng agham at teknolohiya. Dahil dito’y nabuo ang kontratang pinirmahan nating lahat pagpasok natin sa institusyong ito na pumupuwersa sa atin upang sa kolehiyo’y kumuha tayo ng kurso sa larangan ng agham at teknolohiya.

 

Narinig na natin ang lumang argumento. Siguro nga’y hindi pa alam ng isang 12 o 13 taong gulang na bata kung ano ang plano niya sa hinaharap. Siguro nga’y may ilan sa atin na sa pananatili sa Pisay ay nalaman nilang iba ang gusto nilang gawin. Siguro nga’y may ilang ngayon lang nalaman na interes talaga nila ang sining o kung anumang iba.

 

Ngunit hindi tamang basta na lamang natin suwayin ang kontratang pinirmahan natin noon. Tandaan nating hindi sapat na dahilan ang kawalan ng kasiguraduhan upang isawalang-bahala ang isang pormal at legal na kasulatan. Nakapasok tayong lahat sa Pisay dahil matalino tayo at marunong tayong mag-isip. At bilang mga batang marunong mag-isip, dapat ay alam natin kung ano ang pinasok natin nang piliin nating mag-aral sa ganitong uring paaralan. Tandaan din nating may obligasyon tayo sa bawat Pilipinong tumutustos sa ating pag-aaral. Hindi tamang isipin lang natin ang sarili nating hilig. Para saan pa ang turing sa’ting iskolar ng bayan kundi rin natin gagawin ang sa ati’y inaasahan?

 

Sa kabilang banda’y dapat ding sisihin ang pamamalakad ng Pisay sa pagpili ng ilan upang suwayin ang kontrata. Isang kahinaan ng sistema ay ang kawalan ng pinal na depinisyon ng kung anong mga kurso ang maaari at ‘di maaaring kunin sa kolehiyo. May mga kursong susulpot at mawawala sa listahan at nagdadala ito ng kalituhan sa mga iskolar. Maaari ring magulat ang ilan kung malaman nila na ang kursong nais nilang kunin noon ngunit hindi natuloy dahil wala sa listahan ay bigla na lamang susulpot kung kalian nasa kolehiyo o nakapagtapos na sila.

 

Hindi rin maitatangging may ilan pa ring nakakalusot sa kontratang pinirmahan. Pangunahing halimbawa na nito ang tila diyos na nating mga Pisay iskolar na si Auraeus Solito.

 

Hinahangaan ko ang husay niya sa kanyang larangan at aaminin kong Pisay ang pinakapaborito kong pelikula ngunit sa tingin ko’y hindi sapat na gawan niya ng pelikula ang paaralan upang pagbayaran ang lahat ng nakuha niya mula rito. Binayaran at pinag-aral siya upang maglingkod sa larangan ng agham at teknolohiya, at sa pagpili niya sa larangan ng sining ay isinawalang-bahala niya ang Pisay at ang buong bayang umaasang susunduin niya ang napagkasunduan. Kung talagang mahal niya, at ng iba pang lumihis ng daan, ang Pisay, bakit tila nagawa nilang kalimutan ang misyon ng institusyong ‘minamahal’ nila?

 

Sa tingin ko ri’y hindi sapat na kabayaran ang salapi upang palitan ang edukasyong tatak Pisay. Hindi sapat ang ilang daang libong piso lamang upang palitan ang pagod, pawis, panahon, at paghihirap ng lahat ng taong gumabay sa apat na taong edukasyon ng isang iskolar.

 

Dahil sa mga taong katulad ni Auraeus Solito tila ipinapakita ng institusyon na kaya nilang kunsintihin ang hindi tutupad sa misyon ng paaralan, tila nabibigyan ng rason at katwiran ang pagsuway sa kontratang pundasyon ng pagkakatatag sa institusyong ito. Dapat pa ba nating hintayin ang pagkakaroon ng Pisay 2, Pisay 3, Pisay Returns, at Pisay Forever? Ganoon na lamang ba kadaling kalimutan ang misyon ng isang institusyon? Sana’y hindi. Pakaisipin at isapuso natin ang misyon ng institusyong ito dahil tila lahat tayo’y nakakalimot na.

Add to Memories
Tell a Friend
Yummy down on yummy down on this down on
Yummy down on yummy down on this down on
Yummy down on yummy down on this down on
Yummy down on yummy down on this down on

Ouch it won't reach my mouth
If I could do it myself I'd probably never leave the house
But I can't so here's where you come in
Giving it "Diff'rent Strokes" just like Arnold Drummond
Hummin' hmm hmm good like Campbell's
And you'll handle the sack like the quarterback Randall
Cunningham like Joanie loves Chachi
They call him Ralph Mouth 'cause he's down on Potsie
Rocky chasing the chicken
Watch the plot thicken with the cock when your lickin'
Me like Apollo your Creed my Mission
You go down for the count I countdown ignition
Blast off you're a rocket scientist
A genius what I mean is you suck at this
So escargot 'cause my snail needs Frenchin'
You must be five stars cause my staff's at full attention

Yummy down on this down on this down on this
Yummy down on this down on this down on this
Yummy down on this down on this down on this
Yummy down on this down on this down on this

Yummy down on yummy down on this down on
Yummy down on yummy down on this down on
Yummy down on yummy down on this down on
Yummy down on yummy down on this down on

Dinner for one I know you got your reservations
Starvation like a Third World Nation
So do it for the children and I'll make a donation
My fly's in your eyes let me rise to the occasion
In my Underoos I tend to be brief
So when you're sinking your teeth deep into my beef
You can fondle but it's kind of like McDonald's realize it's
Just a Happy Meal so you can't Super Size it
Told to hold the pickle then you went and blew it
Gherkin off and the Special Sauce comes included
But you knew it did so concentrate like Tropicana
To eat a Chiquita you need to grow the banana
So can ya Bob like Dylan on my Peter like Criss
'Til it's Chubby like Checker c'mon baby do the twist
It's all in the wrist like table tennis
So beat me like Betty Crocker cake mix

Yummy down on this down on this down on this
Yummy down on this down on this down on this
Yummy down on this down on this down on this
Yummy down on this down on this down on this

Suck it suck it suck it suck it suck it suck it
Suck it suck it suck it suck it suck it suck it
Suck it suck it suck it suck it suck it suck it
Suck it suck it suck it suck it suck it suck it

If you were a Hindu I could aim for the dot

Yummy down on this
Yummy down on this

Yummy down on this throbbing pole of hot man chicken.
And feel free to wiggledunk those purple bulldog cheeks.

Add to Memories
Tell a Friend
Mula sa understandingprejudice.org, test ng sexism ata.

Hostile Sexism Score: 2.09
Benevolent Sexism Score: 2.18



What do my scores mean?

The Ambivalent Sexism Inventory measures two separate but related tendencies:

  • "Hostile sexism," which involves negative feelings toward women

  • "Benevolent sexism," a knight-in-shining armor ideology that offers protection and affection to women who conform to traditional gender roles (e.g., cute girlfriend, obedient wife, etc.)
Scores on each dimension can vary from 0 to 5, and although there is no fixed point that divides sexist and nonsexist people, higher ASI scores are related to greater degrees of sexism. For example, people with high levels of hostile sexism are more likely than others to hold negative stereotypes about career women, and they express attitudes that are more tolerant of sexual harassment and spousal abuse of women.

In contrast, high scores on benevolent sexism are not related to overt measures of hostility toward women. Nevertheless, benevolent sexism can turn ugly when women venture beyond traditional gender roles. For instance, one study found that benevolent sexists were more likely than others to blame a female victim for being raped after she invited a man into her apartment (presumably because the victim's behavior violated norms of female chastity).

Add to Memories
Tell a Friend
Reflection paper sa Pan Pil 17 under Ser Vlad


1. Huwag ka namang masyadong paranoid Ser. Kailanma'y 'di ko iisiping ganyan ang intensiyon mo sa pagsasabing may mga bagay na sa labas ng classroom ko lang matutunan. Kailanma'y 'di ko iisiping inisip mong hindi ko kaya ngunit aaminin kong tanggap ko ang katotohanang maraming mga bagay ang hindi ko malalaman nang mag-isa sa loob man o labas ng apat na sulok ng ating silid-aralan.

2. Alam ko namang 'di ka seryoso sa pagsasabing pa-effect lang ang pagsulat mo ng mga salita sa white board gamit ang natutuyot na marker mong dala-dala. Ngunit ginulat mo ako sa pagsasabing ang intensiyon mo'y higit pa sa pagtatatak sa mga isip namin ng mga mahalagang puntong dapat naming malaman. Ginulat mo ako sa pagsasabing intensiyon mo rin ang pagdiin sa halaga ng mga salita mismo. Ginulat mo ako sa pagsasabing minamaliit ang salita bilang ahente ng kahulugan dahil iyo'y 'di ko inaasahan. Hindi ko iyon inaasahan dahil para sa aki'y mahalaga ang salita at kailanma'y 'di ko sasabihin sa iyong walang magagawa ang salita, na ganoon kadali lamang ang pagbura rito sa gunita dahil batid ko ang mga nagawa na ng salita sa kasaysayan at batid kong kailanma'y 'di mawawala ang kapangyarihan nito hanggang sa kinabukasan. Hindi mo na ako kailangang singhalan o kuwentuhan at nais kong malaman mong hindi mo kailangang mag-alala sa pag-astang mas matalino ka sa akin dahil posible namang iyon ay totoo.

3. Huwag kang mag-alala. Hindi ko kinababagutan ang mga kuwento mo tungkol sa kasaysayan, sa mga komedya't sarsuwelang pinanggagalingan ng Encantadia, sa pagdidiin mo sa kahalagahan ng nakasulat na panitikan ng nakaraang mga panahon, sa pagkakatulad ng mga modernong games at ng mga sinaunang kuwento. Huwag ka ring mag-alala dahil batid kong hindi naman talaga totoong paulit-ulit ang mga bagay na sinasabi ng ibang paulit-ulit lang. History never repeats itself because circumstances change and so do people (because they learn although they do not seem to). Salamat din sa pagpapakita sa mga pinanggagalingan ng mga bagay sa kasalukuyan dahil binubuksan mo ang aking isip sa mga bagay na hindi pa nagagawa. Huwag kang mag-alala dahil hindi mo na ako kailangang tawanan. Alam kong ako, kami ang gagawa ng mga bagay na ito.

4. Hindi naman ako tanga upang isiping pinapalabas mong mas nakatataas na nilalang ka sa akin. Huwag kang mag-alala dahil marami kang alam na naibahagi mo sa akin. At kahit halos wala naman akong binayaran upang makapasok sa eskuwelahang ito, lubos akong nagpapasalamat dahil higit pa sa ibinigay ko ang natatanggap ko. At huwag kang mag-alala, wala akong sasayangin sa lahat ng ito.

5. Tama ka, tumatanda ka na. Ngunit ramdam ko naman ang balanseng sinasabi mo. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyong naging masaya ako sa iyong klase at higit pa roon ang mga bagay na natutunan ko mula sa iyo.

6. Huwag kang mag-alala, magiging mas mapag-usisa pa ako. Itinuturing ko rin naman itong higit pa sa obligasyon ko bilang bahagi ng akademikong institusyong ito. Nagagawa ko namang isama sa obligasyong ito ang aestetikong pagtanggap sa anumang binabasa ko. At huwag kang mag-alala, minsa'y naging bahagi na rin ako ng mga istoryang hindi naisasama sa mga kuwento ng pag-unlad na sinasabi mo kaya alam ko kung ano ang gagawin ko.

7. Wala nga sigurong nangyayari sa mga tauhan ng isang tekstong walang kinikilalang tunggalian. Siguro nga'y nagpapatiwakal lang sila o namamatay sa sobrang kaligayahan. Ngunit sino'ng makapagsasabing wala nang susunod pa sa 'kamatayang' ito?

8. Huwag kang mag-alala, hindi mo na kailangang siguruhin pa sa'ming itinuturing mo kami bilang mga tekstong pupuno rin sa iyo dahil batid na namin ito. Alam ko ring nagpupunuan lamang tayo ng mga puwang tulad ng lahat ng nilalang sa mundo. Ngunit may ilang magsasabing mali ang klase ng pag-iisip na ito. Sasabihin nilang hindi kailangan ng isang tao ang iba upang maging buo. Na maling sabihin sa kahit sino na, 'You complete me.' Na maling umasa sa presensiya ng iba upang mabuo ang sarili. Na 'solitude' ang susi sa sariling kabuuan. Na 'learning to love yourself is the greatest love of all.'

9. Huwag kang mag-alala. Alam kong hindi ako maaaring maging 'simpleng tao lamang.' Batid ko ang kapangyarihang taglay ko at ang responsibilidad na kaakibat nito. Matapos ang lahat ng aralin tungkol sa mga gaps, teksto, ideyolohiya, panitikan, paraan ng pagbasa, pag-uugnay, at pagkuha ng mga kahuluga’y alam kong wala akong dapat sayangin. Huwag kang mag-alala, unti-unti ko nang natututunan kung paano ito gamitin nang tama. Salamat na rin sa iyo.

10. Huwag kang mag-alala. Nagtagumpay ka sa iyong leksyon. Hindi mo na rin kailangang ulit-ulitin dahil dapat mo ring mabatid na hindi ka nag-iisa. Iyon din ang dahilan kung bakit tila napakayabang ko sa paulit-ulit na pagsasabing alam ko na ang ilang mga bagay na nabanggit mo. Marami nang nagdaang katulad mo sa buhay ko’t sa buhay ng lahat ng tinuruan, tinuturuan, at tuturuan mo. Huwag kang mag-alala’t marami pang katulad mong nagbahagi, nagbabahagi, at magbabahagi sa akin at sa mga katulad ko ng mga leksyong itinuro, itinuturo, at ituturo mo. Marami pang darating na katulad ko sa hinaharap ngunit huwag kang mag-alala dahil marami ring darating na tulad mo. Kaya maraming salamat at sana’y naintindihan mo ako.   

Add to Memories
Tell a Friend

Essay ko. Kung magkakaroon daw ako ng female genitals for a day, anong gagawin ko. Peace.

 

I'll keep this short and simple. I honestly find it hard to imagine myself as having the genitals of a female. First thing that comes to my mind is that it would have felt, well, flat. There would have been nothing longer than my index finger swinging freely 'round that area with a pair of balls dangling side by side close below. Another thing is that I would definitely feel disappointed knowing that I have those below without the ones that grow on the chest. Yes, some girls have little of that as well but plain flat would have been frustrating. I could imagine what I could have done on those if they came with the package. But, well, I agree that it would have been unfair if we get those and the girls don't get anything even close (the balls look round enough, but they would have been too small and positioned in the wrong place).

 

Moving on, let us now delve into the more physical, what I would have done with (or to) those. First thing I would have done is get a camera and take pictures of myself. Come on, that would have been the only time I'll have a vulva, a labia majora, a labia minora, a vagina, and (yes, this is the most exciting part) a clitoris! Having what our lectures say as the only organ that is solely devoted to pleasurable sensations. Another exciting thing about this is that I would be able to try and find out if the G-spot really exists (hopefully I do, ahaha; that should feel excellent). Also, I would get a chance to experience multiple orgasms (which should feel even more excellent I guess) 'cause I heard that only girls get those. How, you say. I know it would have been nearly impossible to find a guy who would be willing to fuck me. Well, I could get a female Soc Sci 3 classmate to try it. Another option is to hire one. Yes, those provided by escort services. But that would be quite risky. I don't want to get some STD from them ('cause it is likely that they have that). So I guess unless a Soc Sci 3 classmate agrees to do it with me, I would have to resort to more 'personal' means.

 

That’s when masturbation becomes an option. (Actually, even if I indeed find someone who would agree to 'make love' to me I'm certain I would do this as well, ahaha) So the question is, how to masturbate when one has female genitals. I read that there are various ways just as there are various ways to masturbate if you have a dick. A difference is that it could be done less obviously. I mean, us guys do an up and down motion (most of the time) while girls just sort of do an in and out motion (sometimes) or even just an even less conspicious rubbing action. Anyway, I would definitely try masturbation for experience and of course for the sensations. I could also compare it with how us boys do it. The availability of a dildo or a vibrator would be a plus factor, especially in the absence of a partner. The sad part here (well, not really) is that I won't be able to caress some breasts (I bet it helps). Well, at least the nipples are there. That should be enough. And I would probably try every option I can in masturbating. I mean I would try every technique at hand. This is also the part when I could try to find that famed G-spot and see for myself if it really exists and if it really makes a difference.

And yes, I think I would have tried peeing as well. That would definitely be a new experience.

Add to Memories
Tell a Friend
pinapaikot mo lang ako

Nagsasawa na ako. Mabuti pang

patayin mo na lang ako.

-electric fan

hindi lahat ng walang salawal

ay bastos

-winnie d' pooh/donald duck

Alam mo ba wala akong ibang hinangad

kundi ang mapalapit sa iyo.

pero patuloy ang pag-iwas mo

-ipis

Hala! sige magpakasasa ka!

Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo.

-hipon

Ayoko na! pag nagmamahal ako lagi na lang

maraming tao ang nagagalit! wala ba akong

karapatang magmahal?!?

-gasolina

Hindi lahat ng green ay masustansya.

-plema

Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sau

ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao

ganun mo na lang ako itanggi..

-utot

Sawang sawa na ako palagi nalang akong

pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako."

-Bola

you never know what you have

till you lose it.

and once you lose it, you can never get it back

-snatcher

Hindi lahat ng pink, KIKAY!

-majinboo

Ginawa ko naman lahat para sumaya ka

mahirap ba talagang makontento sa isa?

bakit palipat-lipat ka?

-TV

hindi lahat ng maasim may vitamin c

-kili kili

Sige, batihin mo ako.... Sigeee.....BATEEEEEE!!!!!!!!

-omelette

Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!

-libag

Anung kasalanan ko sayo, iniwan m nalang akong duguan...

-Napkin

Wag mo na akong bilugin..

-kulangot

Hindi lahat ng hinog, matamis…

-pigsa

Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?

-Lego

Punyetang Buhay to! Itlog itlog! Araw2 na lang itlog!

-Brief

Wala naman akong ginawa sa kanya! Hindi na nga ako gumalaw dito.

Ako n nga yun ntapakan, sya pa un galit.. bakit ganun?

-Tae

Cge kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo!

-deodorant

Hindi lahat ng dugo puedeng idonate

-regla

profile
User: [info]imjsf
Name: imjsf
calendar
Back February 2009
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
page summary
tags

Advertisement

Customize